“Mahilig Ako Magsalita”
By: Sam
Sa kadadada, malimit ako’y nawawala
Sa dami ng iniisip at inaalala
Sila’y laging napapangisi,
O kaya nama’y napapatunganga.
Pilit ko man baguhin at ilagay sa tama,
Diwa naman nito’y laging masakit kung tumama
Kaya ano nga ba ang silbi ng pagiging tapat sa sarili,
Kung anga lahat naman ay mapagkunwari?
Plastic dito, plastic doon. Ano mang pilit, orocan pa rin un.
Sa kabila ng lahat, akoy umaasa.
Masilayan ng inyong mga mata
Ang katotohanag bumabalot sa madugong lupa.
Kaibigan kaibigan…. Sino sa inyo ang tapat?
Sino bang tunay na nakikinig, umuunawa’t nagpapahayag?
Kung ang kalayaan ng bawat salita’y nakakubli sa inyong dila,
Patunay lang ito na kayo’y peke at walang halaga

Bagamat ganun, ako’y nagsusumamo.
Sana kayo’y magbago at magpakatotoo.
Ang buhay magiging masaya’t malago,
Kung ang lahat nng tulad nyo’y taos pusong magbabago.
Ngunit sakali mang kayo’y di na maari pang magbago,
Huwag mo nang asahan ako pa’y mananatili sa iyo.
Sapagkat ang katotohanang ako’y iba sa iyo,
Mananatiling magpakailanman habang ang salita ko’y tapat at totoo.
BIYAHE
By: D’ wanderer
Lahat ng tao sa mundo’y nagbibiyahe
Minsan may mabigat at magaang bagahe
Minsan may daang paliko at diretso
Minsan mabilis, minsan parang pagong ang takbo.
Biyaheng ibig sabihing ‘di pagsakay
O ‘di kaya’y ano mang klaseng paglalakbay
Sa lugar na may akit na tinataglay
Upang sa iyong pag uwi may ngiting tangay.
Ito’y biyahe ng iyong sariling buhay
Sa lahat ng pagkakataon ay akay-akay
Minsan problema’y mabigat dalhin
Minsan problema’y sa ngiti ay daanin.
aranasan mo nab a kaibigan?
Na kahit sandali buhay ay kay-inam
Walang problemang sa iyong daan a haharang
Paglalakbay mo’y kay ganda at kaygaan
At minsan naman buhay mo’y kay saklap
Lahat ng nais mo’y abutin may kay hirap
Pero kaibigan ito’y pagsubok lamang.
Ito’y kanya lamang pagsubok
Kung sa paniniwala sa kanya’y ‘di tatalikod
Isipin lang natin ito’y kanyang handog
Sa buhay natin ito’y kanyang dulot.
Gaya-gaya
By: Asoid
Bakit ba hindi ako makagawa
ng isang magandang Tula?
And daming pumapasok na ideya
Pero hindi parin ako nakakapagsimula!
Hindi kaya ubos na ang aking tinta?
o ‘di kaya’y kinakalawang na talaga
Ang isipan kong nagpapahinga
Sa mga problemang nadarama.
Minsa’y tulala
Minsan nama’y nababahala
Sa mga walang ideya
Kung gaano kahirap gumawa ng isang tula.
Ang mata ko’y pagod na
hindi pa rin ako nakakagawa
Pero para san pa ang isang magandang tula
Kung kinokopya din lamang sa iba?
0 comments:
Post a Comment