PAG-IBIG
Ang pag-ibig ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang mamahay sa ating puso ng sa ganun ay matuto tayong makidalamhati sa kasalatan at kasawian ng iba at magkawang-gawa sa abot n gating tungkulin na mahalin an gating mga magulang, mga kapatid at kapwa tao. Ito ay nagbibigay kulay sa ating buhay.
– Apagan, Joybelle
Kapayapaan
Ang kapayapaan ay katahimikan o pagiging malaya sa iba’t-ibang kaguluhan na nagaganap sa lipunan. Ito ay kasing-ilap ng ibon na lumilipad sa tuwa at kasing hirap hanapin tulad ng bukal ng kabataan. Isang tunguhing kailangang paghirapan, hindi lamang ngayon, bukas o kung kailan natin kailangan, kundi sa lahat ng panahon. Sa bawat sandali ng buhay ay kailangan hanapin at hangarin. – Cusay, Nazareth
Kalusugan
Ang kasulugan ay kayaman na dapat nating pakaingatan dahil ito ang nagbibigay lakas sa ating pangangatawan at napapaibayo ang mental na kakayahan ng bawat nilalang. Huwag siralin ang kalusugan upang mapanatili ang matiwasay na kinabukasan.
- anonymous
KALIHAYAHAN
Ang kaligayahan ay bunga ng pagmamahalan ng isa’t-isa. Bawat tao, mayaman o mahirap ay tanging hangad na makamtan ang kaligayahan na walang hanngan sa ibabaw ng mundo.
– Udat, Noel
Krimen
Ang krimen ay hindi katanggap-tanggap na Gawain ng isang tao. Ito’y mga Gawain na labag sa batas ng Diyos at pamahalaan. Ito ay pangunahing problema sa ating bansa na nakakasagabal sa tugatog ng kaunlaran. – Buyag, Fae Marie
0 comments:
Post a Comment