Cramming

Posted by ~ at 7:43 AM

By: Sam


Mahaba-habang usapin ang pagka-cram. Marahil, marami sa inyo ang nagtataka kong bakit sinusulat ko to. Ngunit ano man ang sabihin ninyo, nais ko lang ilantad ang mga ilang katotohanang mahirap natin ipagkaila - di lang sa ating institusyon, kundi sa lahat ng paaralan. Marami sa atin, lalo na sa mga taong katulad ko ang personalidad ang last minute na kung mag-aral. Hindi naman nangangahulugan na tayo ay mga tamad mag-aral – madami lang tayong mas higit na priority na gagawin (palusot).

Kung Monday palang ngayon at sinabing may exams tayo sa Friday, mag-aaral ba kayo? Palagay ko hindi pa. Sayang naman ang isang lingo natin kung uumpisahan na agad natin ang pag-aaral. Ang kailangan natin dito ay ang tinatawag na proper time discipline. Kung Friday pa ang exams, tignan mo agad kung mahaba ba ang pag-aaral sa exam na iyon. Ang madalas na sagot natin dito ay napakahaba ng exams. Nasasaisip kasi ng instructor na puwede niyang habaan ang scope ng exams dahil mahaba pa ang panahon para tayo ay makapag-review. Madami sa mga kaklase natin ang natutuwa at may apat na araw pa tayong magre-review. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong bukas na ang exams dahil napakatagal pa ang Friday. Alam kong madaming hindi sasang-ayon, pero eto ang mga dahian ko – mas maigsi ang ating magiging paghihirap sa pag-aaral. Dalawang oras na aral lang mamayang gabi ay OK na iyon. Kesa naman sa apat na araw na pag-aaral na hindi ka naman sigurado kung matataas ang magiging score mo.
Masisira ang buong lingo natin dahil sa araw-araw ay inaalala natin ang exam sa Friday. Kung malaman pa ito ng nanay mo ay siguradong araw-araw ka niyang kukulitin na mag-aral agad. Kapag bumagsak ka sa exam na iyon ay may maidadahilan ka na hindi ka gaanong nakapag-aral dahil bigla at kulang ka sa oras ng pag-aaral. Siguradong ang instructor ay magka-cram din gumawa ng mga test questions at hindi na siya makakapag-isip ng iba pang mga questions na wala sa libro o iyong mga tinatawag natin na questions beyond the scope of lessons. Habang papalapit nang papalapit ang exams ay siguradong padagdag nang padagdag ang mga dapat na pagaralan natin. Higit sa lahat. Mahirap mag-exams ng Friday dahil madalas ay gimmick day ito at kapag nagkataon na feel ninyo eh bagsak kayo sa exams, paano ninyo mae-enjoy ang inyong gimmick? Siguradong sira din ang mga plano ninyo sa weekend na kung saan dapat ay pinapahinga natin an gating mga katawan.

Sa mga dahilang nabanggit, siguro ay marami na sa inyo ang sang-ayon na gawin ang mga exams sa pinakamaagang panahon. Sa mga sasang-ayon, patunay lang ito na parepareho lang tayo at sa katunayan, marami tayong ganito (di rin excuse ang mga instructors J).

Madali naman mag-cramming, sanayan lang iyan. Madalas natin siguradong madidinig na masama ang mag-scram. Totoo iyon pero kung wala tayong choice kung ‘di mag-cram, pagbutihin na natin ang ating pagka-cram. Pero sandali, ano ba ibig sabihin ng “cram”, kung di mo pa nakuha, pakisuyong dumaan po kayo sa Library at magpaalam sa maamo nating Librarian-in-charge na may titignan lang kayo na word sa dictionary.

Tips on how to make a successful cramming: (1) Huwag hihiga sa inyong malambot na kama. (2) Huwag ka ding kakain na sobrang busog. (3) Dapat ay medyo konti lang ang kainin mo at kumain ka habang ikaw ay nag-aaral na. (4) Kumuha ka ng mga chichirya, mga junk foods! Boy Bawang, highly recommended. Sabi nga nila ang cramming ay parang junk food – ipinagbabawal sa mga eskwelahan, pero it’s still better than no food at all! Cramming is still better than not studying at all. (5) Kung puwede kang ‘wag maligo’ ay wag ka munang maligo para hindi ka antukin agad. Bukas ka na lang maligo bago kumuha ng exams. Huwag din kalimutan magshave ng mga bigote at balbas para hindi halatang stressed ka sa pagka-cramming. (6) During the exam, huwag tumabi sa cute. Iyan ang number 1 distraction sa atin - ang katabi nating mga cute. Pero kung wala ka nang magagawa dito, tip ko din na kilalanin mo na lang ‘yung cute mong kaklase. Kung bumagsak ka man sa subject na iyon ay siguraduhin mo na bagsak din ‘yung cute para naman magkasama ulit kayo ng matagal-tagal. More on exams tip sa susunod na article ko. Sana lang next year, tuloy-tuloy ang institute paper natin, so we can express ourselves more freely. Salamat sa ‘The Entrepreneurs’ and more power!

0 comments: